top of page

53 PATAY, 38 SUGATAN AT 12 ANG PATULOY PA NA PINAGHAHANAP SA BARMM DAHIL SA BAGYONG PAENG

FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES


Umakyat na sa limampu’t tatlo ang naitalang nasawi sa hagupit ni Bagyong Paeng, tatlumpu’t walo ang sugatan, at nasa labing dalawa pa ang pinaghahanap sa buong Bangsamoro Region.


Sa pinakabagong tala ng Bangsamoro READi, nangunguna ang probinsiya ng Maguindanao sa may pinakamaraming naitalang nasawi kung saan, umabot na sa 51 ang nasawi, at may naitalang tig-isang nasawi sa Sulu at Tawi-Tawi.


Samantala, umakyat na rin sa 223, 256 ang apektadong pamilya sa rehiyon.


Hindi rin pinalampas ng bagyo ang mga pananim kung saan abot na sa Php225,786,064 pesos ang pinsala sa


agrikultura


As of November 1, balik-operasyon na din ang lahat ng Airport at Seaport sa rehiyon.


Sa ngayon, nasa State of Calamity pa rin ang buong Bangsamoro Region at tuloy-tuloy ang relief distribution ng nga ahensiya at Non-Government Organizations.


End

0 views
bottom of page