- Kate Dayawan

COTABATO CITY -- Araw ng Miyerkules, June 15, pormal nang nanumpa na kani-kanilang tungkulin ang limampu’t limang mga bagong punong guro ng Cotabato City at Maguindanao II Schools Division Office sa pangunguna ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education – BARMM.
42 sa mga principal na ito ay mula sa Maguindanao II habang ang labing tatlo naman ay mula sa Cotabato City.
Ipinaabot ni Minister Mihagher Iqbal ang kanyang pagbati sa mga nanumpang punong guro kasabay ng kanyang paalala na gamitin ang kanilang posisyon at liderato sa pagsagaw ang kanilang tasks na may magandang intensyon at naka-angkla sa prinsipyo ng Moral Governance.
Bagamat hindi umano perpekto ang kanilang naging proseso sa pag-hire ngunit sinisigurado umano ng tanggapan na pinipili nila ang mga pinaka-competent at makakasama ng MBHTE sa pagsulong ng Moral Governance.
Tuloy-tuloy lamang ang MBHTE sa pagtupad ng kanilang mandato na mag-hire ng mga competitive personnel na magbibigay ng dekalidad na serbiyso hindi lamang sa ministeryo kundi maging sa buong komunidad ng Bangsamoro.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang hiring and selection procedures para sa mga Teacher 1 applicants mula naman sa division ng Maguindanao II at MBHTE Central Office.
Samantala, nagbukas naman ang MBHTE ng 72 plantillan positions sa Bangsamoro Job Portal.