top of page

56 ANYOS NA DRIVER NG SUPPORT BANGSAMORO TRANSITION O SUBATRA, PATAY SA PAMAMARIL SA COTABATO CTIY

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Sa report ng Cotabato City PNP, pasado alas otso kanina ng barilin ng hindi pa kilalang salarin ang singkwenta y sais anyos na driver ng Support Bangsamoro Transition o SUBATRA na si Teng Ebus, residente ng Mother Barangay Bagua ng syudad.


Ayon sa hepe ng Police Station 2, PCAPT Michael Yap, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na riding in tandem suspects ang bumaril sa biktima gamit ang Caliber .45 pistol.


Tinamaan si Ebus ng dalawang beses sa kaniyang tagiliran.



Photo courtesy : CCP Station 2


Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara na itong Dead on Arrival ng attending physician.




End

0 views
bottom of page