Kate Dayawan | iNews | iMindsPH
Cotabato city, Philippines - Sa loob ng unang walong buwan ngayong taon, umabot na sa limampu't anim na mga loose firearms ang isinuko ng mga sibilyan sa Joint Task Force Tawi-Tawi.
Ito ay dahil sa walang humpay na pagsusulong sa kampanya ng gobyerno kontra loose firearms.
Noong Lunes, a nuwebe ng Agosto, pitong undocumented firearms ang itinurn-over ni Panglima Sugala Mayor Nurbert Sahali sa 2nd Marine Brigade.
Ito ay sinaksihan ng mga barangay official ng Tongbangkaw ng nasabing bayan.
Ang mga isinukong armas ay kinabibilangan ng dalawang M16A1 rifle, tatlong cal. 45 pistol, isang Garand rifle at isang ART Colt 15/K69 with scope.
Ayon kay Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., ang tagumpay na ito ay dahil sa pagtutulungan ng AFP kasama ang mga local government units at iba pang law enforcement agencies sa Tawi-Tawi.

Photo by: Western Mindanao Command, AFP