Kate Dayawan | iNEWS | December 13, 2021

Photo courtesy : 6th Infantry Division Kampilan
Cotabato City, Philippines - Ganap nang mga miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit o CAFGU Active Auxiliaries ang 560 na mga civilian volunteers matapos na matagumpay na matapos ang 45-day Basic Military Training sa 6th Division CAA Affairs Unit Training Base sa Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao noong Biyernes, December 10.
Pinangunahan ni Col. Michael Santos, Chief of Staff ng 6th Infantry Division, ang closing ceremony ng nasabing pagsasanay.
Malugod nitong binati ang mga nagtapos na CAFGU at pinaaalahanan hindi lamang sila bastang mga CAFGU, kundi sila ay kinakailangan upang maabot ng 6ID at Joint Task Force Central ang misyon sa pagsusulong ng kapayapaan sa South at Central Mindanao.
Ang mga bagong CAA ay idedeploy sa iba't ibang komunidad sa ilalim ng area of operations ng JTFC.