Joy Fernandez | iNEWS | September 21, 2021
Cotabato City, Philippines - Pumalo sa limang daan at siyamnapu ang naitalang panibagong kaso ng Covid-19 sa rehiyon dose as of September 20, 2021.
Sa buong rehiyon dose umaabot na sa 46, 848 ang kabuuhang kaso ng nagpositibo sa sakit. 6,316 rito ang nanantiling aktibo, 39,045 ang gumaling at 1,479 ang nasawi.
Sa BARMM nakapag tala ito ng 114 new cases ng Covid-19, 28 rito ay mula sa Maguindanao, 35 sa Lanao Del Sur at Marawi City, 4 sa Sulu at 47 sa Cotabato City.
Sa buong rehiyon ng Bangsamoro umaabot na sa 12,170 ang nagpositibo sa sakit. 1,194 rito ang aktibong kaso, 10,503 ang gumaling at 473 naman ang nasawi.
Samantala sa Zamboanga City, nakapag tala muli ng 93 new cases ng Covid-19 as of September 19,2021.
Sa kabuuhan umaabot na sa 14, 075 ang kaso ng Covid-19 sa Zamboanga City. 1, 013 ang aktibong kaso, 12 398 ang gumaling at 664 naman ang nasawi.
Habang nakapag tala naman ng 584 new cases ng Covid-19 ang Davao Region as of September 20, 2021.
Sa kabuuhan ay umaabot na sa 87, 343 ang kaso ng covid-19 sa davao region, 20, 756 ang nananatiling aktibo, 63,938 ang gumaling at 2,649 naman ang pumanaw.
