Kate Dayawan | iNEWS | December 15, 2021

Photo courtesy : PRO BAR
Cotabato City, Philippines - Bago pa man matapos ang taon ay na-promote sa trabaho ang daan-daang personnel ng Police Regional Office BAR.
Kahapon, December 14, pinangunahan mismo ni Regional Director, PBGen. Eden Ugale ang Mass Oath-Taking, Donning at Pinning of Ranks ng mga bagong promote na Police Commissioned Officers, Police Non-commissioned Officers at Non-Uniformed Personnel CY 2021 2nd Level Regular and 4th Quarter PLTCol Continuous Promotion Program na ginanap sa PRO BAR Grandstand, Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao.
Malugod na binati ni PBGen Ugalr ang 42 PCOs, 523 na PNCOs at tatlong NUP na matagumpay na nakapasa sa rigid stages ng promotion process kung saan kabilang dito ang Psychological Examination, Drug Test at Board Interview.
Sa 664 na mga aplikante, 569 sa mga ito ang na-promote sa higher rank at ito ay binubuo ng tatlong Police Lieutenant Colonel, 14 na Police Major at 25 Police Captain para sa PCO.
Para naman sa PNCO, 25 dito ang na-promote sa pagiging Police Executive Master Sergeant, 37 ang Police Chief Master Sergeant, 77 ang Police Senior Master Sergeant, 139 ang Police Master Sergeant, 137 ang Police Staff Sergeant at 108 ang Police Corporal.
Ang oath taking, donning, and pinnging of ranks ay isinasagawa upang kilalanin ang mga karapat-dapat sa serbisyo, mga naiambag at narating ng mga bagong promote na PCO, PNCO at NUP sa organisasyon ng PNP.