574 na panibagong kaso ng covid-19 naitala sa SOCCSKSARGEN Region

Kristine Carzo | iNEWS | September 10, 2021


Cotabato City, Philippines - Patuloy na tumataas ang bilang ng mga covid-19 positive sa ibat-ibang lugar sa Mindanao.


As of 6:00pm ng September 9, 2021, nakapagtala ng 574 na panibagong kaso ng covid-19 ang SOCCSKSARGEN region.


Sa kabuuhan ay umaabot na sa 34,064 ang kabuuhang kaso ng covid-19 sa SOCCSKSARGEN Region, kung saan 5,768 parin ang aktibong kaso, 41,162 ang gumaling at 1,232 naman ang pumanaw.


Sa BARMM nakapagtala ng 83 na panibagong kaso ng covid-19.


Sa buong BARMM ay pumapalo na sa 11,131 ang kaso ng Covid-19 sa rehiyon ng Bangsamoro.


804 ang aktibong kaso, 9,889 ang gumaling at 438 naman ang nasawi.


Samantala sa Iligan City, 51 ang naitalang panibagong kaso ng Covid-19.


Sa kabuuhan ay umaabot na sa 4,088 ang kaso ng covid-19.


883 ang aktibong kaso, 2,902 ang gumaling at 303 ang nasawi.


Sa Zamboanga City, nakapag-tala ng 57 new cases ng Covid-19,


Sa kabuuhan ay umaabot na sa 13,069 ang kaso ng covid-19 sa buong Zamboanga City, 505 ang nananatiling aktibo, 11,931 ang gumaling at 636 ang nasawi.


Habang sa Davao Region, 1,253 na panibagong kaso ng covid-19 ang naitala sa loob lamang ng isang araw,


Sa kabuuhan ay umaabot na sa 77,372 ang kaso ng covid-19 sa Davao Region.


16,905 ang aktibong kaso, 58,105 ang gumaling at 2,353 naman ang pumanaw.



3 views