top of page

5th batch ng WASAR Training ng Bangsamoro READi, sinimulan na!

Kate Dayawan | iNEWS | December 6, 2021

Photo courtesy : Bangsamoro READi


Cotabato City, Philippines - Muli na namang binuksan ang pagsasanay ng Water Search and Rescue para sa ikalimang batch para sa taong 2021.


Araw ng Biyernes, pinangunahan mismo ni Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo ang opening ceremony ng nasabing training sa 6ID Division Training School, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.


Ang nasabing pagsasanay ay nilahukan ng animnapu't apat na partisipante na kinabibilangan ng 62 kalalakihan at dalawang kababaihan.


Ang mga ito ay nagmula pa sa mga bayan ng Kapai, Bacolod Kalawi, Bubong at Taraka sa lalawigan ng Lanao del Sur, Datu Montawal, Pagalungan at Datu Piang naman sa Maguindanao at Barangay Kalanganan ng Cotabato City.


Sa naging mensahe ni Minister Sinarimbo, sinabi nito na hindi lamang mahuhubog ang skills ng mga partisipante ng nasabing training, kundi mapapalawak rin nito ang network o koneksyon ng bawat isa dahil nagmula sa iba't ibang bayan ng BARMM ang mga kalahok dito.


Ang WASAR ng Bangsamoaro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o Bangsamoro READi ay isang 7-day intense physical training na naglalayong mapaigting ang kapasidad ng mga community responders na rumeresponde sa mga sakuna.

4 views
bottom of page