top of page

5th WASAR Training, natapos na!

Kate Dayawan | iNEWS | December 14, 2021





Matagumpay na natapos ng ikalima at huling batch ng Water Search and Rescue trainees ang pitong araw na intense physical training sa 6ID Division Training School sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao noong Huwebes, December 9.


Ang huling batch na ito ay kinabibilangan ng limampu't siyam na partisipante mula sa mga bayan ng Kapai, Bacolod Kalawi, Bubong at Taraka, Lanao del Sur at Datu Montawal, Pagalungan at Datu Piang, Maguindanao.


Kasama rin dito ang mga partisipante mula sa Barangay Kalanganan ng Cotabato City at ilang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front.


Isa sa mga specialized trainings ang WASAR na ginagawa ng Bangsamoro READi ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG), BARMM kasama ang 6th Division Training School ng 6th Infantry Kampilan Division na naglalayong pagtibayin ang kapasidad ng rehiyon para rumesponde sa mga sakuna.


Ito ay dahil sa madalas makaranas ng sakuna dahil sa pagbaha o kaya ay dahil sa armed conflict ang ibang bahagi ng Bangsamoro region.


Laking pasalamat ng mga partisipante sa pamunuan ng Bangsamoro dahil sa panibagong kakayahan na naibahagi sa kanila.

18 views
bottom of page