top of page

6.8M NA HALAGA NG HINIHINALANG SHABU NAKUMPISKA NG PDEA-BARMM SA BUY-BUST OPERATION SA COTABATO CITY

Kael Palapar

(Photo courtesy: PDEA-BARMM) COTABATO CITY — Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM, PNP Maritime, Highway Patrol Group BARMM at Police Station 1 sa Nayon Shariff, Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City pasado alas nwebe kaninang umaga.


Sa report mula sa PDEA-BARMM, tumangka pang tumakas ang suspek na kinilalang si alayas Arson pero matapos ang maikling habulan, napasakamay rin ito ng otoridad.


Ikinasa ang operasyon matapos bentahan ni alyas Aron ang isang police assest na nagpanggap bilang poseur buyer.


Nakumpinska sa pag-iingat nito ang isang kilo ng hinihinalaang shabu na may national average price na 6.8 million pesos.


Si alyas Arson ay mahaharap sa kasong paglabas sa Section 5 at 11, Article II Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


24 views
bottom of page