6 BIFF SUMUKO,6 NA BIFF SA COTABATO PROVINCE SA ILALIM NG KARIALN FACTION ANG SUMUKO SA MILITAR

Anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Cotabato Province ang sumuko sa militar.
Sumuko sa militar ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Cotabato Province, sa ilalim ng Karialan Faction.
Photo Courtesy: WESTERN MINDANAO COMMAND,AFP
Ayon kay Joint Task Force Central Commander, Maj. Gen. Alex Rillera, sumuko ang mga ito kay 602nd Commander, Brigadier General Donald Gumiran sa kampo ng 34th Infantry Battalion headquarters sa Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato.
Isinuko rin ng mga ito ang kanilang matataas na kalibre ng armas at bala na kinabibilangan ng dalawnag 7.62mm Sniper rifles, isang 7.62mm rifle, isang .30 caliber Garand rifle, isang M79 grenade launcher, at isang M14 Springfield rifle.
Ang matagumpay na pagsuko ng mga dating dating miyembro ng BIFF ay bunsod ng pagtutulungan ng intelligence units, 34IB, at ng 6th Civil-Military Operations Battalion.
Iprenisinta rin ang mga ito kay Midsayap Mayor Rolly Sacdalan. Isinailain din ang mga ito sa custodial debriefing na pinangunahan ng 34IB.
Pinuri naman ni Western Mindanao Commander, Lt. Gen. Roy Galido ang pagsusumikap ng Joint Task Force Central na matulduukan ang terorismo sa Central Mindanao. Pinasalamatan din nito ang iba’t ibang mga organisasyon na patuloy na tumutulong sa adhikain ng gobyerno na isang payapa at maunlad na komunidad at ligtas sa ano mang uri ng karahasan.