top of page

6 DRUG SUSPEK ARESTADO NG MGA PULISYA MATAPOS MAHULI SA AKTONG GUMAGAMIT NG ILIGAL NA DROGA SA SULU

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Huli sa akto ng pulisya ang anim na drug suspek na nagsasagawa pa ng pot session sa BARANGAY. San Raymundo, Jolo, Sulu nitong August 14.


Kinilala ang mga naaresto na sila alyas Alikar, Alwadud, Radzmar, ALvinier, Robin at Alyas Danny.


Ayon sa pulisya, habang nagsasagawa ang mga ito ng mobile patrol, ay biglang nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen na nagsasagawa umano ng pot session ang anim sa loob ng pamamahay ng isang Anang Hariri na agad namang tinugunan ng mga awtoidad.


Nakumpiska rin sa mga pag-iingat ng mga suspek ang nasa labinlimang pakete ng hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 5 thousand and 100 pesos, isang nabuksang pakete ng iligal na droga ng hinihinalaang shabu at drug paraphernalia.


Nasa kustodiya na ngayon ng Jolo MPS ang mga suspek at nahaharap na sa kasng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 views
bottom of page