iMINDS Philippines | February 14, 2022

Photo courtesy : PRO BAR
Cotabato City, Philippines - Sa bisa ng warrant of arrest sa ilalim ng Criminal Case No. 1390 sa kasong theft, inaresto ng mga elemento ng Basilan Provincial Police, Lamitan City PNP, 1st Basilan PMFC, Regional Mobile Force Battalion BASULTA, PNP-SAF at 18 Intelligence Battalion ng Philippine Army ang anim na indibidwal kabilang na ang limang wanted personalites, a onse ng Pebrero sa Lamitan City, Basilan.
Apat ang naaresto sa Brgy. Calugusan, Lamitan City, Basilan habang isa naman sa Brgy. Maligaya, Lamitan City, Basilan.
Arestado rin si alias "Kulot" sa isang operasyon sa Brgy. Baimbing, Lamitan City, Basilan.
Ito’y sa bisa ng limang arrest warrants na inisyu ng 9th Judicial Region, Branch 2, Isabela City, Basilan, sa kasong Murder at Multiple Attempted Murder.
Bago nahuli ayon sa report ng PNP BARMM, pinaputukan pa umano ni alyas kulot ang otoridad na nagresulta sa palitan ng putok dahilan upang magtamo ito ng sugat sa katawan.
Nakuha mula sa posesyon nito ang isang M16A1 rifle; anim na m16 magazines; 38 rounds ng 5.56mm ammunition; dalawang Grenade Rifles,3 rounds Cartridges, ng 40mm, dalawang Canister rifle grenades at dalawang android smartphones.
Agad dinala ang mga naarestong indibidwal sa Lamitan City Police Station para sa proper disposition bago ito itu-turn-over sa korte.
Habang idineretso muna sa Lamitan District Hospital ang naarestong sugatan para magamot.
Pinauri naman ni Police Brigadier General Arthur Cabalona ang Basilan PNP sa matagumpay na operasyon.
End