top of page

6 INDIBIDWAL KABILANG NA ANG ISANG BABAE AT 3 MENOR DE EDAD, ARESTADO SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATION

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Arestado si Alyas Omar, Nadjer, isang babae at tatlo pang menor de edad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bangco, Marawi City noong October 15.


Nakuha sa operasyon ang tatlong pirasong pakete ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 6.5 gramo na nagkakahalaga ng Php44,200.00, Isang piraso ng Php500.00 peso bill na ginamit bilang marked buy -bust money, isang

Photo courtesy : PRO BAR


digital weighing scale, isang Caliber.38mm Revolver ID, at limang pang pakete na naglalaman ng residue ng iligal na droga.


Dinala na sa Marawi City Police Station ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa karagdagang imbestigasyon, at dokumentasyon, habang ang mga menor de edad ay nai-turn over naman sa CSWD.


Sinampahan na rin ang mga ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.


Pinangunahan ng City Drug Enforcement Unit ng Marawi City Police Station ang operasyon kaakibat ang Regional Mobile Force Company 14 ng RMFB14, 1st Provincial Mobile Company ng Lanao Del Sur PPO, at 500ECB 55H EBDE at PDEA BARMM.


End

0 views
bottom of page