Kate Dayawan | iNEWS | November 12, 2021

Photo Coutesy : Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region
Cotabato City, Philippines - Himas rehas na ngayon ang anim na indibidwal na nahuli sa halos magkasunod na drug operations ng Bongao Municipal Police sa Barangay Tubig at Barangay Simandagit, Bongao, Tawi-Tawi.
Unang naaresto ang tatlong indibidwal na sina alyas Nelson, Asiah at Aldinon matapos na maaktuhang nagbebentang ng iligal na droga sa Barangay Tubig Tanah noong Lunes, November 8.
Nakumpiska sa mga ito ang 51 grams ng pinaniniwalaang shabu na may estimated value na 346, 960 pesos.
Araw naman ng Miyerkules, tatlong indibidwal naman ang nahuli sa Barangay Simandagit.
Kinilala ang mga ito na sina alyas Benjie, Sam at Dawin na nahuli rin sa akto ng pagbebenta ng iligal na droga.
Nakuha mula sa posesyon ng mga ito ang 2.2 grams ng pinaniniwalaang shabu na may estimated value na 14,960 pesos.
Pinuri ni PBGen. Eden Ugale, Regional Director ng Police Regional Office- BAR, ang aktibong suporta ng komunidad at ang determinasyon ng operating personnel na mawakasan na ang bentahan ng iligal na droga sa bayan nito.
Nasa kostudiya na ngayon ng Bongao MPS ang anim na indibidwal na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Siniguro naman ni Ugale sa publiko na determinado ang PRO-BAR na masugpo ang iligal na droga sa rehiyon at mas paiigtingin pa ang kanilang kampanysa kontra kriminalidad bilang paghahanda sa National and Local Elections sa 2022.