Kate Dayawan | iNEWS| October 18, 2021
Cotabato City, Philippines - Sunod sunod ang pagbabalik-loob sa gobyerno ng mga miyembro ng communist terrorist group sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Kabilang na dito ang anim na indibidwal na sumuko bitbit ang kanilang mga armas sa Municipal Task Force - ELCAC at 37th Infantry Battalion sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat.
Kasamang isinuko ng mga ito ang isang carbine rifle, dalawang shotgun, tatlong pistola, isang 9mm SMG, tatlong caliber .38 revolver at iba't ibang mga bala.
Malugod na tinanggap ni Kalamansig Mayor Rolando Garcia ang mga dating rebelde at binigyan ng inisyal na financial at food assistance mula sa lokal na pamahalaan.
Pinoproseso na ngayon ang lahat ng kanilang mga kailangan upang matama ang E-CLIP Program ng gobyernong nasyunal.
Ayon kay Garcia, hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ang naitutulong ng presensya ng mga kapulisan at kasundaluhan kundi natutulungan rin nito ang mga rebelde na nais na magbalik-loob sa gobyerno.
