top of page

60 former MILF Combatant, nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa MPOS-BARMM

Kate Dayawa | iNews | November 4, 2021


Cotabato City, Philippines - Abot sa 60 dating combatant ng Moro Islamic Liberation Front mula sa Camp Bilal at Busrah sa mga lalawigan ng Lanao ang nakatanggap ng tig-10,000 pesos na tulong pinansyal mula sa Peacebuilding Towards Normalization program ng Ministry of Public Order and Safety.


Ang interbensyong ito ay inilaan para sa mga vulnerable at marginalized sectors katulad ng mga MILF combatant na hindi kwalipikado sa decommissioning program ng national government.


Nanguna sa distribusyon ng financial assistance si Atty. Al-Rashid Balt, Director General ng MPOS at Peace Program Officer Sittie Janine Gamao noong araw ng Linggo, October 31, sa Marawi City.


Sinabi ni Gamao sa mga dating combatant na patuloy na tutulong ang Bangsamoro Government sa mga naghirap upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro region.



Target ng MPOS na mabigyan ng tulong ang 180 former combatants mula sa anim na kampo ng MILF sa rehiyon na nakapaloob sa Executive Order 79 sa ilalim ng Annex on Normalization.

Ang mga maa-identify na benepisyaryo ay sasailalim a profiling, capacity building, listening sessions, social healing at provision of assistance.


Nakatakda namang mamahagi ng nasabing tulong pinansyal ang MPOS sa mga benelisyaryo mula sa Camp Abubakar sa Barira, Maguindanao at Camp Rajamuda sa bayan ng Pikit, North Cotabato sa November 9. Habang matatangap naman ng mga former combantant mula sa Camp Omar sa Datu Hoffer at Camp Badre ang financial assistance sa November 10.




2 views0 comments

Recent Posts

See All