Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Sa tinalakay ng Municipal Peace and Order Council Meeting, suportado ng AFP ang pagtatatag ng Peace Reconciliation Committee at Communication Hub ng Pikit Municipal Government katuwang ang PNP, AFP at Ministry of Public Order and Safety ng Bangsamoro Government.
Ito ang isa sa mga aksyon ng mga otoridad kasunod ng serye ng karahasan sa bayan. Ayon sa militar, kailangan ng dayalogo upang maresolba ang gusot.
Kailangan din ayon kay 602nd Brigade Commander, Brigadier General Jovencio Gonzales ang pagpapabot ng tamang impormasyon sa publiko.
PBGEN JOVENCIO GONZALES, COMMANDER, 602nd BRIGADE "State of incidents na mangyayari sa buong Pikit and some adjacent areas not particularly Pikit, marami pa pong napagusapan creation ng isang committee sa level ng ating Mayor upang matuunan itong mga pangyayari na ito mga ibang bayan pa na magiging contribution ng mga concerned agencies para mapagtulong-tulungan itong mga reported incidents dito po ay napagusapan ang creation of Peace Reconciliation Committee sa level po ng ating mayor at ito po ay binubuo ng LGU ng Pikit ng ating PNP Municipality of Pikit with some added elements coming from the region and province para maka tulong po and of course kasama po ang atin 90IB, 602nd Brigade na ako po yong namumuno at iba pang mga security stakeholders na nandito sa Pikit kasama ang civil society group at, actually ang committee na ito mayroon pong effort o contribution ang ating Ministry of Public orders and safety ng ating Bangsamoro Autonomous Region in Muslims Mindanao sa kadahilanang ang original area ng Pikit ay merong more or less kalahati po ng mga barangay ay napapaloob na sa ating Special Geographic and Development area under ng BARMM".
Masusing pinag-aaralan ng militar ang bawat naiuulat na karahasan upang mabigyan ng kaukulang tugon.
PBGEN JOVENCIO GONZALES, COMMANDER, 602nd BRIGADE "hindi lang po ito dito sa North Cotabato maging sa ibang lugar nangyayari but then there were a sudden emphasis of all this events dahil yong nga po sa social media so we hope to respond to this properly hindi po yong basta basta nag re-react po kami pinag-aaralan po natin ng mabuti ito at kutawang po natin ang ating kapulisan military at ito po ay nakalinya sa mga instructions at mga utos ng ating headquarters ng 6th Infantry kampilan Division sa pamumuno po ng ating Commanding General ng 6ID Major General Roy Galido, Philippine Army yon lamang po maraming salamat."
End