top of page

617 LAW VIOLATORS, ARESTADO NG PNP BARMM SA LOOB NG 100 ARAW NA PANUNUNGKULAN NI PBGEN CABALONA

Kate Dayawan

BANGSAMORO REGION - Sa loob ng isang daang araw na panunungkulan ni PNP BARMM Regional Director, Police Brigadier General Arthur Cabalona-


617 law violators kabilang na ang labing isang most wanted person ang naaresto sa 999 law enforcement operations sa ikinasa ng PNP BARMM.


206 drug personalities ang naaresto at nakumpiska ang 464.50 grams ng Shabu na nagkakahalaga ng PHP 3,158,650.32.


Bukod pa sa 500 gramo ng Marijuana na nagkakahalaga ng Php 27,500.00.


279 na loose firearms ang kanilang nakumpiska kung saan ay 30 dito ang high-powered firearms.


Bumaba rin ang crime rate na naitala sa rehiyon. Mula sa 737 na insidente noong February 3 hanggang May 13, 2021, bumaba ito ng 22.5% ngayong 2022 o nagtala lamang 571.


Napanatili rin ng PRO BAR ang isang generally secure, accurate, free, and fair national and local elections 2022 kung saan bumaba sa 46 ang mga naitalang insidente kumpara sa 93 insidente noong 2016 National Presidential Election.


9 views
bottom of page