top of page

65 ANYOS NA LOLA NA SARI-SARI STORE OWNER, ARESTADO DAHIL SA PAGBIBENTA NG ILIGAL NA DROGA

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang saisenta y singko anyos na lola mula sa Barangay Poblacion Sitangkai, Tawi-Tawi.


Sa report ng PNP BARMM, inireport ang lola ng isang concerned citizen dahil sa pagbibenta ng iligal na droga sa kanyang pagmamay-aring sari-sari store.


Sa isinagawang surveilance ng otoridad, napag-alaman na ginagamit lamang ng lola ang kanyang sari-sari store bilang front sa kanyang illegal drug activities.


Sa inilunsad na operasyon ng PNP Sitangkai araw ng sabado, naaresto si lola at nakumpiskma mula sa kanya ang siyam na piraso ng sealed transparent plastic sachets na naglalaban ng hinihinalang shabu na may timbang na 11.4 grams at nagkakahalaga ng 77,500.00. Nakuha rin sa kanya ang tatlumpo po pang piraso ng heat sealed plastic straws na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 2.4 grams at nagkakahalaga ng 16,300.00 pesos.


3 views
bottom of page