Kristine Carzo | iNEWS | September 22, 2021
Cotabato City, Philippines - Ala-singko kahapon ng hapon nang ilunsad ng PNP PRO-BARMM ang operasyon sa Brgy Alamada, Sultan Kudarat, Maguindanao. Nakatakas sa ikinasang buy-bust operation ng Police Regional Office-BARMM ang target na kinilala sa pangalang aladin.
Sa report ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, nakumpiska ang mahigit kumulang isang daang white crystalline substance na hinihinalang shabu na may estimated Standard Drug Price na 680,000.00.
Sa report ng PNP PRO-BARMM, nagkasundo ang suspek na si Aladin na magbenta ng shabu sa isang uncover agent na nagpanggap na poseur buyer. Naging matagumpay ang transaksyon pero bago pa man makapagbigay ng signal ang police poseur buyer, naghinala na ang suspek na police ang katransaksyon nito kaya pinaputukan ang uncover agent na nagresulta sa palitan ng putok.
Nakaligtas naman ang police poseur buyer pero nakatakas si Aladin tangay ang buy-bust boodle money na nagkakahalaga ng 200,000.
Inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa nakatakas na suspek.

Photo by: PRO-BAR