top of page

7,060 NA NA-STRANDED NA MGA PILIPINO, PAUUWIIN NG DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS NGAYONG AGOSTO

Kate Dayawan | iNews | iMindsPH


Cotabato city, Philippines - Nakatakdang mapauwi ngayong buwan ng Agosto ang 7,060 na mga na-stranded na Pinoy sa ibang bansa sa tulong ng Department of Foreign Affairs.

Ito ay sa kabila ng patuloy na paghihigpit ng gobyerno sa mga border ng bansa upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.


Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, 4,260 sa mga susunduing Pinoy ang mapapauwi sa pammagitan ng flight na inarkila ng DFA habang 2,800 naman ang mapapauwi sa pamamagitan ng Bayanihan flights.


Sinabi pa ni Arriola na nahihirapan ang kanilang tanggapan na mapauwi NANG mabilis ang mga na-stranded na Pinoy dahil sa sinusunod na passenger cap ng IATF na dalawang libo kada araw. Limitado rin umano ang mga quarantine facility.


Ipinapaalala rin nito na ang lahat ng mga uuwi na mula sa sampung restricted na bansa, nabakunahan man o wala, kinakailangan pa rin nilang sumailalim sa 14-day strict quarantine o facility-base quarantine.


As of February 2020, umabot na sa 408,911 na overseas Filipinos ang napauwi sa tulong DFA.

105,607 sa mga ito ay sea-based workers habang ang 303,304 naman ang land-based.


Ani Arriola, karamihan sa mga napauwi ay nag-expire na ang kontrata at visa at wala nang ibang paraan upang mapa-renew pa ang mga ito.


Kasalukuyang ipinagbabawal ngayon ng gobyernong nasyunal na pumasok sa bansa ang mga pasaherong nagmula sa India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia, at Thailand hanggang August 15.




2 views
bottom of page