top of page

7.6 million pesos halaga ng Marijuana plants, binunot at sinunog ng PDEA-BARMM sa Luuk, Sulu

Kate Dayawan | iNEWS | November 19, 2021

Photo courtesy : PDEA - BARMM


Cotabato City, Philippines - Mahigit sampung libong fully grown Marijuana plants ang binunot mula sa tinatayang 10,000 square meters na plantasyon sa Sitio Tangan-Tangan, Barangay Lingah, Luuk, Sulu hapon noong Miyerkules, November 17 na nagkakahalaga ito ng 7.6 million pesos.


Bukod pa rito, natagpuan din sa lugar ang isang M16 rifle na may magazine at bala, isang M16 magazine at dalawampung 5.56 ammunitions.


Ang mga binunot na ebidensya ay sinunog ng mga otoridad sa nasabing plantasyon.


Naaresto naman ng mga otoridad ang dalawang indibidwal na kinilalang sina alyas Tamil at Bakil na nagbabantay ng nasabing plantasyon.


Naging kaagapay rin ng PDEA-BARMM sa operasyong ito ang Sulu Provincial Police Office Provincial Intelligence Unit, Criminal Investigation and Detection Group IX, NICA IX, Luuk Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit IX, 2nd Provincial Mobile Force Company, Marine Battalion Landing Team - 7 at iba pang enforcement agencies.


Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kahaharaping kaso ng mga naarestong suspek.

35 views
bottom of page