top of page

7.8 INFLATION RATE SA BARMM


Bahagyang tumaas ang inflation rate sa BARMM sa buwan ng Marso at nagtala ng 7.8 percent. Mas mataas sa 7.5 percent sa buwan ng Pebrero ngayong taon ayon sa Philippine Statistics Authority BARMM.


Nagtala ng 7.8 percent na inflation rate sa BARMM sa buwan ng Marso ayon sa Philippine Statistics Authority ng rehiyon. Mas mataas ito kumpara sa 7.5 percent sa buwan ng Pebrero.


Ayon kay Engineer Akan Tula, ang Officer-in-Charge ng PSA BARMM, ang bahagyang pagtaas ng 0.3 percent inflation rate sa rehiyon ay mula sa Food and Non-Alcoholic Beverages; Restaurant and Accommodation Services; and Personal Care, at Miscellaneous Goods and Services.


Sa anim na probinsya sa BARMM, ang Tawi-Tawi ang nagtala ng pinakamataas na inflation rate na umabot sa 11.7 percent. Sinundan ito ng Basilan na nagtala ng 9.5 percent, habang ang Sulu ay nagtala ng 8.4 percent.


Samantala, ang Lanao Del Sur ay nagtala ng 7.2 percent na inflation rate at ang Maguindanao naman ay nagtala ng pinakamababang inflation rate na nasa 6.4 percent lamang.


Bumaba naman ang inflation rate ng Cotabato City na nasa 5.5 percent sa buwan ng Marso kumpara sa 6.6 percent na naitala sa buwan ng Pebrero ngayong taon.


Sa buwan ng Marso, bumaba rin ang inflation rate sa buong bansa sa 7.6 percent kumpara sa 8.6 percent na naitala noong buwan ng Pebrero.


Nangunguna ang Region-VIII o Eastern Visayas Region sa may pinaka mababang naitalang inflation rate na nasa 5.9 percent.


Pumapangalawa naman ang Region 2 o Cagayan Valley na nagatala ng 6.2 percent.


Pumapangatlo ang Region 7 o Central Visayas Region na nagtala ng 6.6 percent.


Habang ang Region-6 o Western Visayas Region ang nagtala ng pinakamataas na inflation rate na umabot sa 9.1percent.


Sinabi naman ni Bangsamoro Planning and Development Authority Macro-Economic Planning Division Chief Camelia de Vera-Dacanay na matapos ang paglulunsad ng 2nd Bangsamoro Development Plan, makikipag ugnayang ang BPDA sa iba’t ibang ministries, offices, at agencies sa rehiyon kaugnay sa isinusulong ng mga programa at proyekto ng mga ito upang makabawi sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa rehiyon.


Ipinaliwanag naman ni BPDA Planning Officer V at Chief of Research and Development Division Marifah Agar ang ilang mekanismo sa 2nd BDP para tugunan ang inflation rate at panatilihin sa manageable range na 2-4 percent kada taon.

0 views0 comments

Recent Posts

See All