Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sa report ng Area Police Command Western Mindanao, huli ang kwarentay anyos na si Alyas Nasir bandang alas-9:20 ng umaga kahapon, sa Barangay Kasayangan Zamboanga City.
Naharang sa isang checkpoint ang minamanehong van nito na may kargang 50 master cases ng samu't saring smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng 1.7 million pesos.
Kalaboso rin ang limang indibidwal araw ng linggo dahil din sa pagpupulist ng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit-kumulang 4.9 million pesos.
Sakay ng motorized banca ang lima lulan ang mga ipinasulit na sigarilyo nang maharang ng mga elemento ng Zamboanga City Mobile Force “Seaborne” Company at Bureau of Customs (BOC) Intelligence and Investigation Service, gayundin ang Enforcement and Security Service ng BOC, sa Manalipa Island.
Narekober ng otoridad sa operasyon ang kargang 142 master cases ng sari-saring smuggled cigarettes.
Agad na kinumpiska ang mga kargamento, at hinuli ang limang indibiewal matapos mabigong magpakita ng mga dokumento.
Sinabi ng ZCPO na hinigpitan nito ang pagbabantay sa Isla ng Manalipa dahil ang lugar ay nagsisilbing ruta ng mga smuggler.
Noong Sabado naman, naharang din ng mga pulis at tauhan ng BOC ang isang van na may kargang 32 master cases ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng 1.1 million pesos at naaresto ang dalawang indibidwal sa kanilang isinagawang operasyon sa Barangay Baliwasan.
Itinurn-over sa BOC ang mga naarestong suspek, sasakyan, at kontrabando para sa kaukulang aksyon.