top of page

7 Brand new pick-up, pormal nang itinurn-over ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato

Joy Fernandez | iNEWS | October 13, 2021


Cotabato City, Philippines - Bilang bahagi pa rin ng ipinangakong Tama at Maayos na serbisyo si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. ---


Pormal nang itinurn-over ang pitong brand new pick-up na gagamitin bilang Patrol Car o Emegency Vehicle ng iba't ibang barangay sa lalawigan.


Kabilang sa mga nakatanggap ay ang munisipalidad ng Tantangan kung saan ibibigay ang isang Pick-up sa barangay Bukay Pait.


Habang ang natitirang anim na unit ng sasakyan naman ay para sa Munisipalidad ng Noralah kung saan ang mga napagkalooban ay ang barangay Liberty, Kibid, B.S Aquino, Lapuz, Simsiman at Matapol.


Ilan lamang ito sa mga proyektong patuloy na isinasakatuparan ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato sa ilalim ng administrasyon ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.





1 view
bottom of page