7 DRUG PERSONALITIES, HULI SA LAW ENFORCEMENT OPERATION NG OTORIDAD SA TAWI-TAWI
Kate Dayawan | iNews | January 13, 2022

Courtesy: Western Mindanao Command
Cotabato City, Philippines - Kulungan ang bagsak ng pitong indibidwal nang mahuli sa inilunsad na law enforcement operation ng pinagsanib na pwersa ng 212th Marine Company at Sitangkai Municipal Police Station sa Barangay Panglima Alari, Sitangkai, Tawi-Tawi. Kinilala ang mga nahuling indibidwal na sina Jemar, Benhar, Jorover, Yasser, Hondi, Jay-al at Almisal. Nahuli mula sa posesyon ng mga suspek ang apat na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu na may estimated market price na 1,500 pesos. Bukod pa rito ay nakuha rin ang mga baraha at cash na nagkakahalaga ng 10,946 pesos. Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharaping kaso ng mga suspek na nakapiit na ngayon sa Sitangakai MPS. Itinurn-over naman sa Philippine Drug Enforcement Agency BARMM ang mga nakumpiskang ebidensya para forensic laboratory examination at safekeeping.