top of page

7 INDIBIDWAL, SINAMPAHAN NG KASO NG PNP BARMM KAUGNAY SA PAMAMARIL-PATAY KAY RET. COL ROLEN BALQUIN.

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 31, 2022

Photo courtesy : FB Robert Braganza


Cotabato City, Philippines - Marso a bente singko nang ihain ng PNP BARMM sa piskalya ang kasong murder at frustrated murder laban sa pitong indibidwal kaugnay sa pagkakabaril patay kay Cotabato Public Safety Officer, Retired Colonel Rolen Balquin.


Ito ang kinumpirma ni PNP BARMM Regional Director, Police Brigadier General Arthur Cabalona.


Ito ang sinabi ni PBGEN ARTHUR CABALONA, Regional Director, PNP BARMM

"referred to the City Prosecutor’s office, murder and frustrated murder against 7 suspects, 5 of them are identified and 2 are still unidentified. Kapag nareleasean na po ‘yan ng warrants of arrest ay magkakaroon po tayo ng manhunt operations against the identified suspects so that mapanagutan nila ang kanilang ginawa".


Personal grudge ang tinututukang motibo ng PNP BARMM sa krimen.


Ayon kay General Cabalona, maituturing na umanong case solved ang insidente.


Pasado alas nuebe noong Marso a dise nuebe nang mabaril-patay si Retired Colonel Rolen Balquin na dadalo lang sana sa opening ng isang tea house sa Sinsuat Avenue, Cotabato City.


A Bente Otso ng Marso, nang ihatid ito sa kanyang huling hantungan.


End


8 views
bottom of page