top of page

7 new cases ng Covid-19, naitala sa Zamboanga City

Kate Dayawan | iNEWS | September 28, 2021


Cotabato City, Philippines - Umabot na sa bilang 26 ang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Zamboanga City.


Ito'y matapos na muling madagdagan ng pitong kaso ang Delta variant sa lungsod.


Sa pitong bagong kaso, anim dito ang nakarekober habang isa naman ang nasawi.


Dahil dito, mariing pinaaalahan ng City LGU ang publiko na iangatan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa maximum health standards at iwasan ang 3Cs - closed spaces with poor ventilation, crowded places with many people nearby at close-contact settings such as close-range conversation.


Samantala,


Dahil sa patuloy pa rin na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod, patuloy ang panghihikayat ng lokal na pamahalaan sa magpabakuna na.


As of September 24, 2021, umabot na sa 302,732 doses ang naiturok sa mga mamamayan ng lungsod.


179,578 na indibidwal o 26% ng target na 694,695 eligible population ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng COVID-19 vaccines.


123,154 na indibidwal naman o 18% ang fully vaccination.





5 views
bottom of page