iMINDS Philippines | February 14, 2022

Cotabato City, Philippines - Tataas ang presyo ng gasolina, may P1.10 hanggang P1.20 na dagdag presyo kada litro.
Inaasahan namang papalo sa P0.90 hanggang P1 ang taas-presyo sa diesel, habang P0.60 hanggang P0.70 sa kerosene.
Sa ika pitong sunod na linggo na taas-presyo sa langis.
Inaasahang taas-presyo ng petrolyo
* Gasolina - P1.10-P1.20/L
* Diesel - P0.90-P1.00/L
* Kerosene - P0.60-P0.70/L
Dahilan ng oil price hike ay ang nakaambang invasion ng Russia sa Ukraine.
A bente otso ng Disyembre ng huling magkaroon ng rollback sa presyo ng langis at hindi pa nakakatikim ng rollback ang mga motorista ngayong 2022.
Halos sampung piso na ang itinaas sa presyo ng diesel.
End