top of page

71 Repatriated Abused Overseas Bangsamoro Workers, nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa MOLE-BARM

Kate Dayawan | iNEWS | September 21, 2021


Cotabato City, Philippines - Nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Ministry of Labor and Employment – BARMM ang mga pinauwing Overseas Bangsamoro Workers araw ng Lunes, September 20.


Pinangunahan mismo ni Minister Romeo Sema ang pamamahagi ng 10,000 pesos sa bawat benepisyaryo.


Kabilang sa mga nabahagian ng tulong pinansyal ay ang 42 na benepisyaryo mula sa lalawigan ng Maguindanao, 20 mula sa Cotabato City at siyam naman mula sa Special Geographic Area ng BARMM sa North Cotabato.


Hindi natapos ng mga repatriated OBW na ito ang kanilang mga kontrata abroad dahil sa pagmamalupit at pang-aabusong ginagawa umano sa kanila ng kanilang amo.


Isa sa mga mandato ng MOLE-BARMM ay ang tulungan ang mga Returning Overseas Bangsamoro Workers sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Bureau o OWWB.


Layunin ng pamamahaging ito ng MOLE-BARMM na maiparamdam at maipakita sa mga Repatriated OBW sila ay espesyal, pinapahalagahan at kinikilala ng rehiyon ang kanilang sakripisyo.


Dumalo sa isinagawang distribusyon sina Deputy Minister Matarul Estino, Bangsamoro Director General Engr. Dong K. Anayatin, Admin and Finance Director Datu Surab A. Abutazil, BEPW Director Bai Sara Jane Sinsuat, BLRS Director Hatta Jumdain, OBW Director James Tayuan at Chief of Repatriation Assistance Division Arthur A. Dalid,Jr. upang saksihan ang naturang programa.




4 views0 comments