top of page

8 miyembro ng BIFF, nagbalik-loob sa gobyerno sa Maguindanao!


Kate Dayawan | iNews | October 15, 2021


Cotabato City, Philippines - Muli na namang nadagdagan ang bilang ng mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na sumuko sa gobyerno.


Araw ng Miyerkules, October 13, walong BIFF members ang sumuko sa at iprinisenta sa mga alkalde ng bayan ng Datu Hoffer, Salibo at Shariff Aguak. [what town ang salibo?] at kay Brig. Gen. Ignatius Patrimonio, Commander ng 1st Brigade Combat Team.


Ang pagsuko ay naganap sa Barangay Satan, Shariff Aguak, Maguindanao.


Ang walo ay pinamumunuann ng isang alyas Daran. Kasamang isinuko ng mga ito ang isang 60mm Mortar, dalawang 7.62mm Sniper Rifles at tig-iisang M14 Rifle, M16 Rifle, M14 Barret (Homemade), ULTIMAX Rifle, at Rocket Propelled Grenade (RPG).


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng 92nd Infantry Battalion ang walong indibidwal para sa JAPIC certification bago ii-endorso ang mga ito para sa livelihood assistance at social packages sa ilalim ng AGILA-HAVEN Program ng probinsya ng Maguindanao.


Inihayag naman ni Maj. Gen. Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Kampilan Division, ang kanyang pasasalamat sa mga alkalde ng Maguindanao dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga ito upang matulungan ang mga dating miyembro ng BIFF at Dawlah Islamiya ay makapagbalik-loob sa gobyerno at mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang pamilya.


Patunay umano na ang kanilang samahan ay posibleng makapaghatid ng kapayapaan sa Central Mindanao kung magtutulungan.




0 views
bottom of page