8 NA SELF-PROPELLED 155MM AUTONOMOUS TRUCK MOUNTED HOWITZERS SYSTEM, DUMATING NA SA 6TH ID

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES



Aasahang mas malakas na pwersa ang maihahatid ng militar sa komunidad matapos dumating ang walong bagong self-propelled 155mm Autonomous Truck Mounted Howitzer Systems (ATMOS 2000) sa 7th Field Artillery (Steel Rain) Battalion sa Camp Lucero , Brgy. Nasapian, Carmen, North Cotabato.


Photo Courtesy: 6th ID


Nitong October 1, iprinisinta nina Col. Francis Anthony M. Coronel, Commander ng Army Artillery Regiment; Lieutenant Colonel Raquel Vilchez, Commander ng 7FAB; Lt. Col. Chamberlain Esmino Commander ng 10FAB; at Brig. Gen. Jovencio Gonzales, 602nd Infantry (Liberator) Brigade Commander ang bagong armaments kay Major General Roy M Galido, Commander ng 6ID at JTF Central.


Personal na ininspeksyon ng Division Commander ang nasabing mga asset sa 7FAB kung saan dinala ang walong ATMOS.


Layunin nitong gawing moderno ang Hukbo ng Pilipinas upang maging mas epektibo sa pagprotekta sa mamamayan at ang kapayapaan sa Central Mindanao.


Patuloy na nanawagan ang heneral sa mga extremist group na magbalik loob na sa gobyerno.


End




0 views