Kate Dayawan | iNEWS | September 9, 2021
Cotabato City, Philippines - Inanunsyo kahapon, araw ng Miyerkules, ni Integrated Provincial Health Office Head Dr. Eva Rabaya na kinakapos na ng supply ng medical oxygen ang walong ospital sa lalawigan kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Kabilang sa mga ospital na ito ay ang Amado Diaz Foundation Provincial Hospital, Alamada Provincial Community Hospital, Aleosan District Hospital, Arakan Valley District Hospital, Mlang District Hospital, Fr. Tulio Favali Municipal Hospital, President Roxas Provincial Community Hospital at Cotabato Provincial Hospital.
Ayon kay Rabaya, hindi na umano natutugunan ng supplier ang demand sa supply ng medical oxygen dahil sa paglobo ng mga nagpopositibo sa kaso ng COVID-19.
Mahigpit namang ipinapanawagan ng IPHO Chief sa publiko na iwasan ang pagpunta sa mga matataong lugar at tiyakin na may pananggalang laban sa COVID-19.

Photo credit: Governor Nancy Catamco