top of page

8 taong batang babae, nasawi dahil sa Covid-19

Kristine Carzo | iNEWS | September 28, 2021


Cotabato City, Philippines - Pasado ala-siyete ng gabi, araw ng lunes, binawian ng buhay habang naka admit sa intensive care unit ng Cotabato Rehional and Medical Center ang walong taong gulang na batang babae.


Positibo ito sa covid-19 at nagkaroon ng hemorrhagic pancreatitis.


Ito ang kinupmpirna ng Public Health Head ng Cotabato Regional and Medical Center at Safety Committee Chair, Dr John O. Maliga sa Iminds Philippines.


Ayon sa Doctor ang pasyente ay na-admit sa ospital noong nakaraang linggo matapos itong magpositibo sa Covid-19 kasabay ng kanyang nanay at tatay.


Ito ang pinaka batang covid patient na nasawi sa Covid-19 sa CRMC.




27 views
bottom of page