top of page

808 PERSONNEL NG PRO BAR, SUMAILALIM SA SPECIAL ELECTION BOARD OF INSPECTORS SEMINAR WORKSHOP BILANG

Kate Dayawan

BANGSAMORO REGION - 808 pulis na kakatawan sa Reactionary Standby Support Force (RSSF) ng Police Regional Office BAR ang sumailalim sa Special Election Board of Inspectors Seminar workshop sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao mula a bente singko hanggang a bente sais ng Abril.


Bahagi ito ng paghahanda ng PNP BARMM sa nalalapit na National and Local Elections 2022.


Ang RSSFs ng PRO BAR ay idedeploy sa iba’t ibang panig ng rehiyon ano mang oras at araw kung kinakailangan.


Kaya’t isinailalim ang mga ito sa SEBIs seminar workshop upang maging handa sa mga posibilidad na humalili bilang electoral board sakaling mag-backout sa kanilang election duties ang mga guro.


Sa nasabing seminar, tinuruan ang mga personnel sa mga rules and regulations na susundin sa mga presinto at maging ang pagsasaulo sa Vote Counting Machines at ang iba’t ibang bahagi at functions nito.


Bago magtapos ang aktibidad ay sumailalim muna sa ilang pagsubok ang mga personnel upang malaman ang kahandaan ng mga ito sa iba’t ibang election-related concerns at kung kanila bang naiintindihan ang VCMs sa election process.


Sa kasalukuyan ay mayroong 102 lugar sa BARMM ang napabilang sa listahan ng areas of concern ng PRO BAR kung saan ay kabilang dito ang mga lungsod ng Cotabato, Marawi at Lamitan City.


18 dito ang itinuring na areas of immediate concern habang 34 naman ang areas of concern dahil sa presensya ng Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at Daulah Islamiya.

7 views
bottom of page