Kristine Carzo | iNEWS | September 27, 2021
Cotabato City, Philippines - Sa loob lamang ng isang linggo mula a-benta hanggang a-bente singko ng Sityembre, umaabot sa 5,109 na mga cotabateño ang tumanggap ng bakuna kontra covid-19.
Sa datos mula sa Cotabato City Health Office, sa buong linggo pinaka mataas na bakunang kanilang naibigay ay noong araw ng Miyerkules, September 22, kung saan umaabot sa 2,867 ang naiturok na bakuna.
Sa kabuuhan ay umaabot na sa 89,275 ang bilang ng mga cotabateño na tumanggap na ng bakuna kontra covid-19.
46,321 ang tumanggap na ng unang dose habang 42,954 naman ang fully vaccinated.
Patuloy naman ang ginagawang vaccination roll out ngayon ng City Health office upang matanggap na ng Cotabato City ang 70% immunization rate na target ng City Health Office bago matapos ang taon.
