top of page

89 na mga benepisyaryo ng DILP, nakatanggap ng Php1.68 million worth of Livelihood Starter Kits

Kate Dayawan | iNEWS | September 10, 2021


Cotabato City, Philippines - Abot sa Php1.68 million na halaga ng Livelihood Starter Kits o Negosyo sa Kariton (Nego-Kart) ang ipinamahagi ng Department of Labor and Employment sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o KABUHAYAN Program sa walumpung mga benepisyaryo nito sa Koronadal City, South Cotabato.


Kabilang sa mga ipinamahaging pangkabuhayan ay ang mga kagamitan para sa baking, turmeric making, carenderia, kakanin vending at iba pa.


Layunin ng DOLE Integrated Livelihood Program na mabawasan ang kahirapan at mabigyan ng tulong ang mga vulnerable at marginalized worker na magkaroon ng sariling hanapbuhay.


Kaagapay ng DOLE -12 sa nasabing pamahahagi ang Public Employment Service Office o PESO ng Provincial Government ng South Cotabato.


Ayon kay PESO Officer Flora Cavan, ang walumpo’t siyam na mga benepisyaryo ay bahagi ng 261 na benepisyaryo ng nasabing livelihood program na may kabuuang halaga na 5 million pesos.




5 views0 comments

Recent Posts

See All