top of page

890K na halaga ng smuggled cigarettes, nasabat ng CPPO sa bayan ng Aleosan, North Cot

Kate Dayawan | iNEWS | November 24, 2021

Photo courtesy : PRO 12 - PIO


Cotabato City, Philippines - Tumanggap ng report ang Police Regional Office 12 hinggil sa smuggled cigarettes na ibinabyahe simula Pikit, North Cotabato patungong Zamboanga City karga ng isang FUSO Truck Aluminum Wing Van.


Ipinag-utos agad ni PRO 12 Regional Director Police Brigadier General Alexander Tagum na magsagawa ng mahigpit na inspeksyon sa mga checkpoint operation sa nasabing lugar


Nang mapadaan ang nasabing sasakyan sa inilunsad na checkpoint ng pinagsanib na pwersa Regional Intelligence Division, Criminal Investigation and Detection Group, 1st Cotabato Provincial Mobile Force Company, Pikit at Aleosan Municipal Police Station kasama ang Bureau of Customs ay kanila itong sinuri at agad na nakumpiska ang 1,780 rims ng iba't ibang brands ng smuggled cigarettes.


Naaresto ng mga otoridad ang driver ng wing van na si alyas Mark, 37 anyos at ang kasamahan nito na sina alyas Gerald, 21 anyos at Abdul, 18 anyos, kapwa mga residente ng Zamboanga City.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ang mga nakumpiskang sigarilyo ay nagmula pa sa bansang Malaysia na walang mga kaukulang dokumento.


Nito lamang November 14, mahigit 5 million pesos na halaga rin ng smuggled cigarettes na walang proper documents ang nasabat rin sa inilunsad naa checkpoint ng PNP sa Barangay Bulatukan, Makilala, North Cotabato.


70 views
bottom of page