top of page

9,633 SC NG COTABATO CITY, INAASAHANG MAKATATANGGAP NG UNCONDITIONAL CASH TRANSFER MULA SA DSWD

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Lubos na nagpapasalamat si nanay Nice, isa sa mga Senior Citizen ng Poblacion 3 dito sa lungsod dahil kabilang ito sa mabibigyan ng Unconditional Cash Transfer Grant. Makakatulong kasi ito sa pangangailangan niya sa pang araw-araw.


Nasa 9,633 Senior Citizen Bbneficiaries sa tatlumpu't pitong barangay sa lungsod ang makakatangap ng Social Pension Cash Card na inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang Landbank.


Ang UCT ay isang programa sa bansa na nasa ilalim ng Train Law kung saan, naglalayon itong tulungan ang mga taong nangangailangan, tulad ng mga Senior Citzens na hindi nakakabenepisyo sa low income tax ngunit lubhang naapektuhan ng mga nagtataasang bilihin.


Kada buwan, makakatanggap ng nasa 200 hanggang 300 pesos ang mga benepisyaryo. Bukod pa ito sa Social Pension na natatanggap ng mga Senior Citizen.


Sa ngayon, kalahati palang ang nabibigyan ng UCT at tuloy-tuloy pa rin ang distribyuson.


End


1 view
bottom of page