9 MIYEMBRO NG NPA, SUMUKO SA JTF CENTRAL SA LEBAK, SULTAN KUDARAT
Kate Dayawan

(Photo Courtesy: Armed Forces of the Philippines)
SULTAN KUDARAT - Tuloy-tuloy ang naging pagsuko ng mga miyembro ng NPA sa iba’t ibang lugar sa South Central Mindanao.
Noong araw ng Miyerkules, April 27, siyam na miyembro ng NPA ang sumuko sa 37th Infantry Battalion ng Joint Task Force Central sa Barangay Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat.
Kabilang sa mga sumuko ay ang Squad Leader ng Platoon Madrid, West Daguma Front, Sub-Regional Committee Daguma, Far South Mindanao Region na kinlala bilang si alyas Jumbo.
Bitbit ng mga ito sa pagsuko ang dalawang 7.6mm AK47 rifle, isang 5.56mm M16 rifle, isang 5.56 mm M653 Carbine, isang 9mm submachine gun, dalawang caliber .45 pistol at isang MK2 hand grenade.
Sinabi ni Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng Western Mindanao Command, na patuloy na ipapatupad ng AFP ang peaceful mechanisms upang kumbinsihin ang CNT members na sumuko at magbalik-loob na sa gobyerno.
Simula Enero ngayong taon, abot na 61 Communist Terrorist Group personalities ang na-neutralized sa Central Mindanao kung saan ay lima dito ang napatay, 53 ang sumuko at tatlo ang nahuli.