top of page

9 MULA SA 10 PRESIDENTIAL CANDIDATE ANG NAGKUMPIRMA NG KANILANG PAGDALO SA DEBATE NG COMELEC

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 14, 2022

Photo courtesy : James Jimenez


Cotabato City, Philippines - Sa report mula sa ABS-CBN News, as of March 13, tanging si Partido Federal ng Pilipinas Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lamang ang hindi pa nagkumpirma ng kanyang pagdalo sa isasagawang presidential debate ng Commission on Elections.


Sa Twitter post ni Comelec Spokesperson James Jimenez, siyam mula sa sampung aspirants na ang nagpahayag ng kanilang pagdalo sa "PiliPinas Debates 2022: The Turning Point" na magsisimula sa March 19.


Kabilang dito sina :

1. Ernesto Abella

2. Leody De Guzman

3. Isko Moreno Domagoso

4. Norberto Gonzales

5. Panfilo "Ping" Lacson

6. Faisal Mangondato

7. Jose Montemayor Jr.

8. Manny Pacquiao

9. Leni Robredo


Anim umano sa mga kandidatong ito ang nagbigay ng kanilang “written commitment” nang kanilang pagsali sa debate habang tatlo naman sa mga ito ang verbal na naghayag ng kanilang pagdalo.


Matatandaan na noong March 1, una nang sinabi ni Marcos na hindi pa nito alam kung dadalo ito sa debate at inaalam pa nito ang format.


Una na ring sinabi ng tagapagsalita nito na si Vic Rodriguez, na hindi dadalo si Marcos sa debate na ang intension lamang ay pag-away awayin ang mga kandidato laban sa isa’t isa, na sinasabing pagod na ang publiko sa "political mudslinging.”


Marso a siyete naman ng sinabi ni acting Comelec Chairman Socorro Inting na layon ng debate na inorganisa ng Comelec na tulungan ang mga botante na maging aware sa kung ano ang mga paninindigan ng mga kandidato sa iba’t ibang usapin, maging ang kanilang mga plano at programa.


End.


2 views
bottom of page