top of page

9 NA ASG MEMBER, SUMUKO SA MILITAR SA SULU

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 25, 2022

Photo courtesy : Western MIndanao Command, AFP


Cotabato City, Philippines - Boluntaryong sumuko ang siyam na miyembro ng Abu Sayyaf group sa 1102nd Infantry Brigade ng Joint Task Force Sulu sa Barangay Tagbak, Indanan, Sulu hapon noong Miyerkules, March 23.


Ayon kay Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, Commander ng JTF Sulu, pormal na iprinisenta sa kanya ng 1102nd Brigade ang siyam na indibidwal na kinilalang sina alyas Vandam, Raden, Asari, Abu Zendal, Almasir, Abdung, Jars, Jah at Mursid.


Pinuri naman ni MGen. Patrimonio ang lahat ng kanyang nasasakupang unit sa walang humpay na pagsisikap nito sa paghikayat sa mga napariwarang indibidwal na sumuko at tanggapin ang mga programang inihandog ng gobyerno para sa kanila.


Siniguro ng heneral sa mga sumukong indibidwal na gagawin umano ng militar ang lahat ng kanilang makakaya upang maibigay ang lahat ng tulong na kanilang kinakailangan.


Simula Enero ngayong taon, abot na sa 30 ASG members ang sumuko sa JTF Sulu at pinili ang mapayapang pamumuhay.


End.


5 views
bottom of page