iMINDS Philippines | February 14, 2022

Photo courtesy - PNP Maguindanao
Cotabato City, Philippines - Tadtad ng bala ang mga sasakyan lulan ang siyam na indibidwal na nasawi sa naganap na ambush ala siyete ng umaga, araw ng sabado, February 12, 2022 sa Barangay Kalumamis, Guindulugan, Maguindanao.
Kabilang sa mga nasawi si kumander Peges "aka Black Magic " Mamasainged,
Sadam Mamasainged
Sadre Mamasainged
Johari Mamasainged
Kamaro Mamasainged
Isang nagngangalang Tani
At tatlo pang indibidwal na hindi pa natukoy ng otoridad.
Sugatan sa pananambang sina Anwar M Dimasinsil, Mangi M Mamasainged, at Banarin Lumalag
Ayon sa PNP Maguindanao, patungo ang grupo ni alyas “Black Magic” sa isang rido settlement at kanduli sa Barangay Kitapok, Datu Saudi Ampatuan nang mangyari ang pananambang.
Ayon sa PNP, May matagal ng alitan ang grupo ng biktima at suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa insidente.
Nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang liderato ng MILF hinggil sa insidente.
End.