top of page

90 MAG-AARAL SA BAYAN NG ARAKAN, NAKATANGGAP NG COMPUTER TABLETS MULA SA PROVINCIAL GOVT NG COTABATO

Amor Sending | iNEWS | December 1, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of Cotabato


Cotabato City, Philippines - Sa isinagawang Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabateños Lokal Serbisyo Caravan (NACLSC) noong Lunes, abot sa siyamnapung mga mag-aaral na nasa ika-apat hanggang ika-anim na baiting mula sa Kinawayan, Elementary School ang nakatanggap ng tablet computers mula sa Provincial Government of Cotabato.


Ito ay sa pamamagitan ng Dumaki Project o Digitized Utilisation of Materials Access Through Kilometres Radius Intranet (DUMAKI) na pinondohan sa ilalim ng Special Education Fund ng probinsya.


Layon nito na matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ang kalidad na edukasyon at mas mapadali ang kanilang pag-aaral, lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan ipinapatutupad ng DEPED ang Distance and Blended Learning sa mga paaralan.

9 views0 comments

Recent Posts

See All