𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗦𝗲𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲

Photo Courtesy: Ministry of the Interior and Local Government
Isinasagawa rin ng MILG ang orientation para sa 2023 Seal of Good Local Governance para sa mga barangay.
Umarangkada na ang regional orientation para sa 2023 Seal of Good Local Governance para sa mga barangay.
Pinangunahan ito ng Barangay and Community Affairs Division ng Ministry of the Interior and Local Government sa Davao City.
Ang Seal of Good Local Governance para sa Barangay o SGLGB ay isang progressive performance evaluation at recognition system na dinisenyo para kilalanin ang mga barangays na may pinakamahusay na pamamahala.
Paraan din ito upang hikayatin ang mga barangay na ipagpatuloy ang pagbibigay ng wastong serbisyo publiko.
Lumahok sa orientation ang mga Provincial at City Directors, Provincial Focal Persons, at tatlong mmiyembro ng Techincal Working Group mula sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Special Geographic Area, Cotabato City, at Lamitan City.
Kasunod ng dalawang pilot testing sa taong 2019 at 2021, ang SGLGB ay ipatutupad ngayong taon sa buong bansa.
Base sa naging direktiba ng DILG, kinakailangan pumasa ang mga barangay sa 3 Core Areas, na kinabibialngan ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Safety, at Peace, and Order.
Kinailangan din na pumasa ang mga ito sa isa sa mga Essential Areas tulad ng Social Protection and Sensitivity; Business-Friendliness and Competitiveness; at Environmental Management.