Joy Fernandez | iNEWS | October 25, 2021
Cotabato City, Philippines - Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa siyudad ng Zamboanga--
Tumataas rin ang bilang ng mga naitatalang paglabag sa Health and Safety Protocols kung saan sa loob lamang ng dalawang araw, mula ika-22 hanggang ika-23 ng Oktubre ay umabot sa 965 violators ang naitala.
Kabilang na rito ang non-observance of Physical distancing, paglabag sa curfew hours, di pagsusuot ng facemask at faceshield, walang maipakitang quarantine pass o valid Id at paggamit ng mga unauthorized helmet.
Sa ngayon ay mas pinag-igting na ng mga otoridad ang kanilang ginagawang operasyon at patuloy na pinaaalalahanan ang mga mamamayan na sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin upang mapigilan ang paglobo ng kaso ng Covid-19 sa siyudad.
