97,893 DOSES NG BAKUNA KONTRA COVID-19, NAITUROK SA 3-DAY NA NAT'L VACCINATION DRIVE SA ZAMBOANGA
Amor Sending | iNEWS | December 3, 2021

Photo courtesy : City Government of Zamboanga
Cotabato City, Philippines - Abot sa 97,893 doses ng bakuna ang naiturok sa mga residente ng zamboanga city sa loob ng tatlong araw na malawakang pagbabakuna sa bansa.
Sa datus na inilabas ng Zamboanga City LGU, mula sa nasabing bilang, 84,861 dito ang naiturok bilang first dose, habang 13,032 naman ang naiturok bilang second dose.
Para naman sa mga priority groups,
31,956 doses ng bakuna ang naibigay para sa pedriactic population at 373 para sa pedia na may comorbity;
27,785 naman dito ang para sa natitirang adult population;
306 para sa A1 o frontline workers; 5,000 para sa A2 o senior citizens; 2, 181 para sa A3 o mga indibidwal na may comorbity; 15, 465 para sa A4 (frontliner personnel sa essential sector) at 14, 827 para sa A5 (indigent population).
Pinasalamatan naman ni Mayor Ma. Isabelle Climaco-Salazar ang iba't ibang sektor at mga volunteers na nakiisa para sa matagumpay na Bayanihan Bakunahan na ginanap sa loob ng tatlong araw sa naturang lungsod.
Nagpapatuloy naman ang pagtanggap sa mga walk-in vaccinees na kabilang sa pediatric at sa nalalabing adult population sa apat na vaccination centers sa lungsod habang ang ibang vaccination sites naman ay tumatanggap lamang ng mga residenteng nakapagpre-register o kukuha ng kanilang ikalawang dose ng bakuna.Abot sa 97,893 doses ng bakuna ang naiturok sa mga residente ng zamboanga city sa loob ng tatlong araw na malawakang pagbabakuna sa bansa.