top of page

99 BAYAN AT BARANGAY SA BARMM, TINUKOY NA POSIBLENG ELECTION HOTSPOTS SA DARATING NA HALALAN SA MAYO

iMINDS Philippines | February 16, 2022


Cotabato City, Philippines - Tatlumpo’t walo mula sa apatnapung bayan sa probinsya ng Lanao Del Sur ang tinukoy ng PNP na posibleng hotpots sa darating na May 22 elections.


Dalawa dito ang tinukoy na areas of concern o nasa green category, 27 ang nasa yellow category, pito ang nasa orange category at apat ang nasa red.


Sa Maguindanao mula sa tatlumpo’t anim na bayan, dalawampu’t siyam ang tinukoy na posibleng election hotspots.


Pito ang nasa green category, apat ang nasa yellow, labing limang ang nasa orange at sampu ang nasa red category.


Sa labing isang bayan sa probinsya ng Basilan, sampu ang tinukoy na posibleng election hotspots.


Lima sa yellow category, isa sa orange at apat sa red category.


Sa labing siyam na bayan ng Sulu, sampu ang tinukoy na posibleng election hotspots.


Isa sa yellow category, at siyam sa orange.


Sa probinsya ng Tawi-Tawi, 11 ang tinukoy ng PNP na nasa yellow category.


At sa tatlumpo’t pitong barangay sa lungsod ng Cotabato, isa ang tinukoy na posibleng election hotspot na nasa yellow category.


Ang pagtukoy ay base sa 2019 elections.


Sa ipinatutupad ng COMELEC Gun Ban-


Pinaiigting ng PNP BARMM ang pagsasagawa ng mobile checkpoint.


Sakaling kakailanganin ang PNP na magsilbing miyembro ng BEI sa halalan, may nakalaan na bilang ng pulisya sa BARMM na gaganap dito.


End



1 view
bottom of page